Random Thoughts

Just a fan

Sabi sa isang pocketbook na nabasa ko, “ang taong makakapagpapasaya sayo ay yung taong naging dahilan kung bakit ka malungkot.”

It’s true, in so many ways.

Yung balitang ikakasal si Song Joongki kay Song Hyekyo, ayun na siguro yung pinaka masayang balitang natanggap ko ngayong taon. Imagine, SongSong Couple from Descendants of the Sun to Descendants of the Songs real quick


For real pala ang dalawa. The world is crying not because of sadness but because of happiness. May mga nababasa akong negative pero syempre deadma lang yun kasi rookie fan girls lang sila ni Joongki. Hahahaha. Wala na silang magagawa. Everybody is happy.

Same things may apply to this guy IF he DID organized his wedding before he slaps it to our faces.

Ok, sige. Let’s all be honest here, yung marriage issue naman talaga ni Sungmin ang ugat ng lahat ng kaguluhan sa fandom. Tama naman, hindi ba?

September 24, 2014. One of the unforgettable date in my fan girl history. Ito yung petsa na umuwi akong masaya from school then mababalitaan ko, may girlfriend na sya.

May girlfriend. Confirmed. At dahil bago sakin ang issue na ‘to, iniyakan ko. Ang oa ko lang. But that same day, inintindi ko. The best thing to do is to understand. Lalaki sya, normal lang na magkaroon sya ng girlfriend. Sabi ni Heechul sa Instagram post nya, first time nya raw makitang umiyak si Sungmin. So parang nagwo-worry sya sa iniisip at nararamdaman ng fans. Edi feeling ko (or namin), sobrang oa ng negative comments. Nagkagirlfriend lang naman sya, masama na bang magmahal ngayon? Girlfriend lang naman, hindi pa kasal. Saka sino ba naman kami para diktahan ang buhay nya? Fans lang naman kami.

Hindi ko sure kung iiyakan ko rin si Heechul kapag nagkagirlfriend sya. Si Sungmin, kaya siguro iniyakan ko kasi nga first time ‘to sakin at gusto ko bading sya at gusto ko sila ni Kyuhyun! Shipper nga kasi ako at sobrang hard ko silang siniship. Nasasaktan din tuloy ako nang sobrang hard.

Days after, medyo nakamove on na ko sa katotohanang may girlfriend na sya, nairita naman ako sa itago na natin sa pangalang Banana Girl. Obvious ba na girlfriend nya yung tinutukoy ko? Anyway, wala naman na akong pakialam SANA sa kanya kaso medyo papansin ang Lola mo. Papansin in every way I know and I won’t elaborate it anymore. Papansin sya. Period. Hindi lang naman ako yung nairita, marami kami. Mostly shippers. Hindi na ko nagulat kasi kaimbyerna talaga sya to the highest level.

Then nagkaroon ng wedding rumor. Sa isip ko, “siguro pinagkalat na naman nitong bruhang ‘to.” Denied naman yung issue, wala raw kasal na magaganap. Bakit nga naman kasi sila ikakasal? Patawa lang. Pero deep inside, kabado. May girlfriend eh.

October 14, 2014. Another unforgettable date dahil confirmed ang wedding of the year. Nagpost ng blog ang Lolo mo. May nameet daw syang good person at yung good person na yun ay papakasalan nya. December 13, 2014 yung date ng kasal para raw 12/13/14. Corny, che! Lol. Sorry daw kasi baka nabigla sa balita. Sorry daw kasi sa iba pa nalaman. Sorry ganito, sorry ganyan. No wonder that he’s a member of Super Junior. Hilig mag Sorry Sorry eh. After kong mabasa yung translation ng blog nya, hindi ko alam kung oa ba ko talaga o ano kasi biglang nagblanko yung utak ko. Alam nyo ba yung ganung feeling? Yung nakikita mo yung mga tao sa paligid mo pero parang wala kang nakikita at all. Ang gulo, ‘no? Tapos paulit-ulit pa sa isip ko yung “ikakasal na sya” hanggang sa nagbreakdown na ko. Nasa school ako nun, walang klase kaya busy akong umiyak. Ang malala, binabasa ko ulit yung translated blog nya. Masokista eh. Kaya umuwi ako nung araw na yun nang luhaan at broken hearted.

Kyuhyun’s solo debut! ELF are excited about this especially Kyuhyun biased and emo shippers since songs are mostly for heartbroken people. Broken daw kasi si Kyu dahil ikakasal na si Min. Ok, delusional shipper here! November 13, 2014. Same day ng debut ni Kyu as solo artist with an all-kill album ay lumabas yung invitation nung dalawa. And we were all like, “wtf”. Nananadya? Ewan. Siguro. Baka. If so, does he really feel sorry? I don’t know and maybe, I don’t care.

Some speculations about Sungmin’s inappropriate act towards fans revealed by fans who experienced it first hand. I don’t want to believe that he did those things. It might change how I see Sungmin if I belive in them. I see him as cute and beautiful yet strong man. Minahal ko sya nang ganun at gusto ko syang patuloy na mahalin nang ganunSo as a loving and understanding fan, tinanggap ko. Parang may magagawa naman ako, hindi ba? Wala rin naman syang pake sa totoo lang. As long as he will remain as Super Junior member, masaya na ko.

 

Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sobrang fresh pa sa utak ko ang sakit. Haha.

2 years hiatus ang SJ. Mostly individual activities ang mayroon. But this year, they’ll have their long awaited comeback this October. Birth month ko pa and the SongSong Couple’s wedding is on my birthday! I’m really happy because of this news. Parang nananaginip lang ako na ikakasal sina Joongki at Hyekyo. Cloud nine feels overload talaga. Pero nang mabalitaan ko yung nangyari nung isang araw, parang gusto ko na lang gumising sa panaginip. Kasi naging bangungot na.

Sungmin and Kangin won’t be participating in SM Town Concert and Sungmin wrote this on his Instagram post.


Naiyak na naman ako. Mukha akong nakipagbreak sa boyfriend thru text kasi nasa public place ako at umiiyak! Di ako prepared eh. I mean, kinda expected na mangyayari ‘to pero maraming naniwala, maraming umasa na pwede pa.

I am so disappointed because of this but if it’s for the sake of Super Junior’s comeback, I respect his (their) decision. Nasa Korea sila at mga Koreano sila kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na nasa K-ELF ang huling halakhak. #SungminOUT. #KanginOUT. Sila ang may pakana nyan. Kay Sungmin talaga sila galit nadamay lang siguro si Kangin dahil sa issue nya nang pagda-drive ng lasing. At malakas yung feeling ko na once na may member na umalis, Super Junior will disband. Worst scenario that may happen. Hindi pala sa K-ELF ang huling halakhak kundi sa mga haters na namamanata pa para lang madisband yung SJ.

Everlasting Friend? 6 years ago, I’m sure of it but now I doubt it. Lahat kasi may hangganan, lahat may katapusan. And this might be the beginning of an end. Dahil kahit gustuhin mo mang magpatuloy, titigil ka nang maghintay kasi wala nang darating… at wala nang babalik.

Advertisements

3 thoughts on “Just a fan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s