Random Thoughts

Death?

I’ve seen/heard this word often lately. Death. Kamatayan.

What does this mean? Wala lang ba? Coincident? Okay. Pero every time na maririnig ko yun or mababasa, napapaisip talaga ako. Malapit na ba akong mamatay?

I know I think morbid but can you blame me? Kasalanan ba ‘to ni Maxpein o ni Lovemir kung parehas nilang naiisip na maaga silang mamamatay kasi hindi nila makita yung future nila? Kasalanan bang we’re all in the same shoe? Ewan ko.

Nung una natatakot ako. Paano ako mamamatay? Road accident? Matatamaan ng ligaw na bala? Masasaksak? Mababagok? May malalang sakit? Hindi na magigising?

Sana yung huli na lang.

Marami na kong sakit na naramdaman, pati ba naman sa pagkamatay ko, masakit pa rin? (Wow nakahugot pa!)

Sabi ni Father last Sunday, marami raw ang natatakot mamamatay. Totoo naman, diba? Kapag namatay ka, hindi mo na makakasama yung mga taong gusto mong makasama. Hindi mo na rin magagawa yung nga gusto mong gawin. And worst thing that may happen, yung mga taong importante sayo, unti-unti kang makakalimutan. Sad but that’s true. Buhay ka pa nga, nakakalimutan ka na what more kapag patay ka na diba? (Hugot ulit?)

Ayon ulit kay Father, hindi dapat kinatatakutan ang kamatayan. Ito raw kasi ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Napaisip ulit ako. After mamatay ng isang tao, ano nang mangyayari sa kanya? Kapag namatay ako, saan ako pupunta? Sa langit o sa impyerno? Iniisip ko na tuloy kung ano-ano yung mga kasalanang nagawa ko. Papasa kaya ako sa langit? Sana. Ayoko sa impyerno, baka maghanap ako ng aircon.

Matagal ko ng dilemma yung future ko. Marami akong regrets na ngayon ko lang napagtanto. Masyado kasi akong naniwala sa carpe diem. Hindi pala dapat laging ganun. 21 years na kong nabubuhay. Kapag nakakakita ako ng mga estudyante, elementary o high school o college man, naiinggit ako. Gusto ko ulit mag-aral. Well, pwede naman akong mag-aral ulit ngayon pero… maraming pero eh. Sa next life na lang. Meron naman sigurong next life.

Sana sa next life, matalino na ko. Musically talented o kaya mahilig sa outdoor sports. Volleyball or basketball or whatever. Gusto ko rin maging graphic artist or sana maging artista na ko. Pwede rin sana writer tapos sobrang lawak ng imagination. Ang cool siguro nun. Sana marunong na rin akong magluto at magbake. I will not let myself get fat though, para hindi hassle sa damit. Aayusin ko na rin pag-aalaga sa ngipin ko para hindi na ko magbrace. Tsk! Hindi na rin ako magbabasa sa dilim para hindi lumabo mata ko. Dahil salat ako sa love life, baka next life sobra-sobra na? Joke! Hehe.

Pwede rin naman akong ipanganak na lalaki. Baka kapag ganun, lumaki akong chick boy. Baka 14 pa lang di na ko virgin. LOL. De, kung magiging lalaki ako, sisiguraduhin kong chick magnet ako… na torpe. Hahahaha. Ang cute ko siguro?

But you know, I still want things to be the same. Not really the things but the people that I want to be the same. Sana meron ding Ed Sheeran sa next life? Super Junior… One Ok Rock… you know? Hehehe. Fan girl thingy. Okay lang kahit maliit pa rin ako (depends na lang kung lalaki ako, dapat matangkad!) o hindi pinanganak na yayamanin basta sila sila pa rin. Pwede kaya yun?

Ang dami kong naiisip, ang corny ko na.

Pero ayoko pa talagang mamatay. Hindi dahil sa takot ako pero… may hindi pa kasi ako nagagawa. Baka kapag nagawa ko na, pwede na.

But I hope I’ll die in a nicest way, yung maganda pa rin ako.

Advertisements

One thought on “Death?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s